Hindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, si Alunsina, at ang asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kaming dalawa lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda ng aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao.
Nabighani si Tungkung Langit nang una niya akong makita. Katunayan, niligawan niya ako nang napakatagal, sintagal ng pagkakabuo ng tila walang katapusang kalawakan na inyong tinitingala tuwing gabi. At paanong hindi mapaiibig si Tungkung Langit sa akin? Mahahaba’t mala-sutla ang buhok kong itim. Malantik ang aking balakang at balingkinitan ang mahalimuyak na katawan. Higit sa lahat, matalas ang aking isip na tumutugma lamang sa gaya ng isip ni Tungkung Langit.
Kaya sinikap ng aking matipuno’t makapangyarihang kabiyak na dalhin ako doon sa pook na walang humpay ang pag-agos ng dalisay, maligamgam na tubigan. Malimit kong marinig ang saluysoy ng tubig, na siya ko namang sinasabayan sa paghimig ng maririkit na awit. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririnig ang aking tinig. “Alunsina,” aniya, “ikaw ang iibigin ko saan man ako sumapit!” Pinaniwalaan ko ang kaniyang sinambit. At ang malamig na simoy sa paligid ang lalo yatang nagpapainit ng aming dibdib kapag kami’y nagniniig.
Napakasipag ng aking kabiyak. Umaapaw ang pag-ibig niya; at iyon ang aking nadama, nang sikapin niyang itakda ang kaayusan sa daloy ng mga bagay at buhay sa buong kalawakan.
Iniatang niya sa kaniyang balikat ang karaniwang daloy ng hangin, apoy, lupa, at tubig. Samantala’y malimit akong maiwan sa aming tahanan, na siya ko namang kinayamutan. Bagaman inaaliw ko ang sarili sa paghabi ng mga karunungang ipamamana sa aming magiging anak, hindi mawala sa aking kalooban ang pagkainip. Wari ko, napakahaba ang buong maghapon kung naroroon lamang ako’t namimintana sa napakalaki naming bahay.
Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mababangong buhok. Ngunit tuwing tititig ako sa tubig, ang nakikita ko’y hindi ang sarili kundi ang minamahal na si Tungkung Langit.
Sabihin nang natutuhan ko kung paano mabagabag. Ibig kong tulungan ang aking kabiyak sa kaniyang mabibigat na gawain. Halimbawa, kung paano itatakda ang hihip ng hangin. O kung paano mapasisiklab ang apoy sa napakabilis na paraan. O kung paano gagawing malusog ang mga lupain upang mapasupling nang mabilis ang mga pananim. Ngunit ano man ang aking naisin ay hindi ko maisakatuparan. Tumatanggi ang aking mahal. “Dito ka na lamang sa ating tahanan, Alunsina, di ko nais na makita kang nagpapakapagod!”
Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit. Kaparis ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihan at dunong. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpupumilit. Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig kong maging makabuluhan ang pag-iral. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal.
Araw-araw, lalong nagiging abala si Tungkung Langit sa kaniyang paggawa ng kung ano-anong bagay. Makikita ko na lamang siyang umaalis sa aming tahanan nang napakaaga, kunot ang noo, at tila laging malayo ang iniisip. Aaluin ko siya at pipisilin naman niya ang aking mga palad . “Mahal kong Alunsina, kapag natapos ko na ang lahat ay wala ka nang hahanapin pa!” At malimit nagbabalik lamang siya kapag malalim na ang gabi.
Sa mga sandaling yaon, hindi ko mapigil ang aking mga luha na pumatak; napapakagat-labi na lamang ako habang may pumipitlag sa aking kalooban.
Dumating ang yugtong nagpaalam ang aking kabiyak. “Alunsina, may mahalaga akong gawaing kailangang matapos,” ani Tungkung Langit. “Huwag mo na akong hintayin ngayong gabi’t maaga kang matulog. Magpahinga ka. Magbabalik din agad ako. . . .” May bahid ng pagmamadali ang tinig ng aking minamahal. Lingid sa kaniya, nagsisimula nang mamuo sa aking kalooban ang matinding paninibugho sa kaniyang ginagawa. Umalis nga si Tungkung Langit at nagtungo kung saan. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang kaniyang paroroonan. Ibig ko siyang sundan.
Natunugan ni Tungkung Langit ang aking ginawa. Nagalit siya sa dayaray at ang dayaray ay isinumpa niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita ang pagsunod niya sa nasabing bathala. Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na pagtatalo sa panig naming dalawa.
“Ano ba naman ang dapat mong ipanibugho, Alunsina?” asik ni Tungkung Langit sa akin. “Ang ginagawa ko’y para mapabuti ang daloy ng aking mga nilikha sa daigdig ng mga tao!” Napoot ang aking kabiyak sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang paglalagablab, at lumalabas sa kaniyang bibig ang usok ng pagkapoot. Dahil sa nangyari, inagaw niya sa akin ang kapangyarihan ko. Ipinagtabuyan niya ako palabas sa aming tahanan.
Oo, nilisan ko ang aming bahay nang walang taglay na anumang mahalagang bagay. Nang lumabas ako sa pintuan, hindi na muli akong lumingon nang hindi ko makita ang bathalang inibig ko noong una pa man. Hubad ako nang una niyang makita. Hubad di ako nang kami’y maghiwalay.
Alam kong nagkamali ng pasiya si Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, nabalitaan ko na lamang na pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kaniya kahit sa gitna ng magdamag; hinahanap niya ang aking maiinit na halik at yakap; pinapangarap niyang muling marinig ang aking matarling na tinig; inaasam-asam niya na muli akong magbabalik sa kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli ang kapangyarihang inagaw niya sa akin. Ngunit hindi.
Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon ng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-iral.
Ipinaabot sa akin ng dayaray ang naganap sa dati naming tahanan ni Tungkung Langit. Sinlamig ng bato ang buong paligid. Pumusyaw ang dating matitingkad na palamuti sa aming bahay. Lumungkot nang lumungkot si Tungkung Langit at laging mainit ang ulo. “Mabuti naman,” sabi ko sa dayaray. “Ngayon, matututo rin si Tungkung Langit na magpahalaga sa kahit na munting bagay.”
Umaalingawngaw ang tinig ni Tungkung Langit at inaamo ako dito sa aking bagong pinaghihimpilan upang ako’y magbalik sa kaniya. Ayoko. Ayoko nang magbalik pa sa kaniya. Kahit malawak ang puwang sa aming pagitan, nadarama ko ang kaniyang paghikbi. Oo, nadarama ko ang kaniyang pighati. Lumipas ang panahon at patuloy niya akong hinanap. Ngunit nanatili siyang bigo.
Ang kaniyang pagkabigo na mapanumbalik ang aking pagmamahal ay higit niyang dinamdam. Nagdulot din yaon sa kaniya upang lalong maging malikhain sa paghahanap. Akala niya’y maaakit ako sa kaniyang gawi. Habang nakasakay sa ulap, naisip niyang lumikha ng malalawak na karagatan upang maging salamin ko. Hindi ba, aniya, mahilig si Alunsina na manalamin sa gilid ng aming sapa? Nababaliw si Tungkung Langit. Hind gayon kababaw ang aking katauhang mabilis maaakit sa karagatan.
Pumaloob din si Tungkung Langit sa daigdig na nilikha niya na laan lamang sa mga tao. Naghasik siya ng mga buto at nagpasupling ng napakaraming halaman, damo, palumpong, baging, at punongkahoy. “Marahil, maiibigan ito ni Alunsina,” ang tila narinig kong sinabi niya. Gayunman, muli siyang nabigo dahil hindi ako nagbalik sa kaniyang piling.
Humanap pa ng mga paraan ang dati kong kabiyak upang paamuin ako. Halimbawa, kinuha niya sa dati naming silid ang mga nilikha kong alahas. Ipinukol niya lahat ang mga alahas sa kalawakan upang masilayan ko. Naging buwan ang dati kong ginintuang suklay; naghunos na mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya; at naging araw ang ginawa kong pamutong sa ulo. Kahit ano pa ang gawin ni Tungkung Langit, hindi na muli akong nagbalik sa kaniyang piling.
Namighati siya. At nadama niya kung paanong mamuhay nang mag-isa, gaya lamang ng naganap sa akin dati doon sa aming tirahan. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y humahagulgol, nagbubunga yaon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. May panahong tumitindi ang kaniyang pighati, kaya huwag kayong magtaka kung bakit umuulan. Ang mga luha ni Tungkung Langit ang huhugas sa akin, at sa aking kumakawag na supling.
[Hango sa mito ng Hiligaynon at Waray, at muling isinalaysay ni Roberto T. Añonuevo]
napakaganda! isa itong istorya na dapat nating ingatan mga filipino 🙂
LikeLike
ano bang kanta ang maiuugnay sa kwentong ito
LikeLike
sana tlaga ntin tong iingatan
LikeLike
sana tlaga ntin tong iingatan ang kulturang FILIPINO
LikeLike
Siguro napagod na sa kaiiyak si Tungkung Langit, sa init ng panahon ngayong tag-init. Masaya at nananabik siya sa dami ng maaaring gawin ngayong palapit na ang bakasyon. Sa magdamag, malilimutan niya siguro si Alunsina, bulag na bulag sa kanyang kaakit-akit na mukha’t pamutong sa ulo na pinagmumulan ng init na tinatamasa. Hanggang sa matauhan sa muling pagbalik ng tag-ulan.
LikeLike
sobrang ganda sarap ulitulitin 🙂
LikeLike
GanDa naman
LikeLike
naiiyak rn ako bago pa kac ako tapos ehhhh ng pagbabasa nto kwento
LikeLike
sana sagutin nyo ako kung ano ang pagkakaiba ng kung bakit umuulan at alamat ni tungkung langit
LikeLike
Ang alamat ni Tungkung Langit ay isang paraan ng pagsasalaysay kung paano sinisipat ng isang pamayanan ang sarili nitong kaligiran.
LikeLike
Maaari, at maaari ding sipatin na isang mito ito na nagpapayaman sa isang pamayanan.
LikeLike
ganda, literature subject ko ngayon e.
LikeLike
feminismo.
LikeLike
pwede bang paiksihin ang story
LikeLike
Hindi puwede.
LikeLike
hai,, nku kahirap amn yun pero dpat happy ending,,,,,,,,,,,,,,,,, happy ata ang ending k ehhhhhhhhhh,,,,,
LikeLike
Yan po ba ang original version ng kwento kase po may narinig kong nto pero ay konting pagkakaiba katulad ng si tungkong langit ay nag-anyong langit para mabisita si anunsina sa lupa hindi po dahil uiiyak ……?
Question lang po ……
LikeLike
Kung nais mo ng orihinal na bersiyon ay suyurin mo ang lahat ng kuwento hinggil kina Alunsina at Tungkung Langit, at ikompara mo sa aking ginawa, nang matuklasan mo ang mahika ng mga salita.
LikeLike
hai,, sinalaysay p pla ng kamag anakan k kaapilyedo n papa,,,,,,,,,,,,,,,,wow !!!!! galing ahhhhhhhhhhhhhhhhh,,,,
LikeLike
Ito po ba ang tunay na alamat kung bakit umuulan ibig sabihin hangggang ngaun umiiyak parin c tungkung langit
bat ung ibang story may happy ending ito hindi?
LikeLike
Hindi naman lahat ng kuwento ay masaya ang wakas. Ang nabasa mong kuwento ay muling pagsasalaysaya sa ibang anggulo, na hindi mo mababasa sa ibang kuwento.
LikeLike
tama! ikaw po ba talga ang may gawa nyan
LikeLike
Ano ang sa palagay mo?
LikeLike
May PagkaPareHa Sa KwenTo Na BaKit UmUUlaN 🙂
PerO HindE UmIYaK si TunGkonG LanGit Don Sa Kwento na BaKit UmUUlan 🙂
<(")
LikeLike
Isa pa nga pong kwento btin eh………..
pls. Na mahilig lang akong magbasa dag dag sa collection q.,………………
LikeLike
swana ay magbalikan sila ulet ni tungkung langit
LikeLike
ilove this very much…..nang nagkwento ang teacher ko nito at pagkatapos…….nagtest kami at alam mo ba kung anong nangyari?na perfect ko ang test yahoooooo…..
LikeLike
i very love this kwento
LikeLike
Nakakalungkot ang wakas ng kwento!Sana pinayagan na lang ni Tungkung Langit si Alunsina na lumikha ng mga bagay.Hindi sana sila naghiwalay.
LikeLike
hehehe .. caryl ..:)
LikeLike
hay add ninyo ako guys…. at sana magbalikan na nga si tungkong langit at si alunsina……
LikeLike
magandang kwento maraming matutunang aral ………….lalo sa mga nag iibigan o sa makatuwid nag mamahalan ng lubos isa tong halimbawa sa mga nakabasa nito
LikeLike
Ano ang mensaheng nais iparating?
LikeLike
Marami ang puwedeng ipakahulugan sa akda, gaya sa relasyon ng magkabiyak, konsepto ng trabaho, pagpapahalaga sa indibidwal na kalayaan, atbp. Depende na iyan sa tumitingin.
LikeLike
analyze :-p
LikeLike
bakit po ”ang alamat ni tungkong langit ang pamagat nyan”?
LikeLike
Sapagkat iyan ay tungkol kay Tungkong Langit.
LikeLike
subrang gnda nang kwent2 na t2…!1
LikeLike
bakit po ”ang alamat ni tungkung langit” ang naging pamagat nito samantala ang asawa nya ang nagdidiscribe kay tungkung langit?
LikeLike
Ang pagsasalaysay ay hindi laging nasa pananaw ng pangunahing tauhan. Maaaring gumamit ng ibang tinig, at gaya sa nasabing alamat, ang tinig na ginamit ay mula kay Alunsina. Hindi ba maganda kung sa perspektiba ng babae ipakikilala ang isang lalaki?
LikeLike
Nakakaiyak tlaga ang story about Tungkung Langit and Alusina.I’m so touched :))
LikeLike
bakit alamat ni tungkung langit ang pamagat, ehh hindi naman tungkol kay tungkong langit ang istorya?
LikeLike
Nasagot ko na iyan.
LikeLike
sarap
LikeLike
gling!
ipag patuloy pa yan upang umasenso
LikeLike
Totoo p0 ba yan ?
LikeLike
syempre hindi alamat ehhh.
LikeLike
buti meron d2 alamt ni tunkung langit
mamatxsz poh !!!!!!!!!!!!!
LikeLike
ano ang kahulugan ng dayaray at naghunos?
LikeLike
wat a beautiful story but we need to know the truth na ang Diyos ang mai likha ng lahat ..ayon xa Bible !! at nilikha niya yun za loob ng isang linggo den xaqa xa nagpahinga sa iqa pitong linggo..
LikeLike
Walang may monopolyo ng katotohanan, wika nga ni Rio Alma.
LikeLike
bakit po dalawa ang ginawa nyong kwento
e iisa lang pala iyon?
LikeLike
Iisa lang ang ginawa ko.
LikeLike
ano kya ung alternative ending nito?
LikeLike
Malaya kang umisip kung ano ang nais mong wakas ng akda.
LikeLike
Ano po ba ang pwedeng mangyari kung babalik c alunsina kay tungkung langit
LikeLike
Hindi ko alam. At maaaring kang manghula, dahil walang maling sagot sa iyong tanong.
LikeLike
dapat naging masaya silang dalawa .sana pinayagan nalang ni tngkung langit s alunsina para happy ever after………
LikeLike
Ikaw po ba ung gumawa nito??
LikeLike
Oo, at halaw ko iyan sa mga naunang alamat.
LikeLike
ang panget nag gumawa i close na yung web nito panget
LikeLike
ang ganda ng kwento mula hanggang kataposan.
LikeLike
nsan kaya c alunsina ngaun?
LikeLike
WOW.. GRABE D2 KOLANG NAHAHANAP MGA ASSIGNMENT KO SA (GRADE 7 FILIPINO )
LikeLike
maganda ang kwento at ayon d2 si alunsina ang pinaka main character bkit po tungkung langit ang pamagat ni2??? pinag aralan p kac nmin ito…>>> repzz
LikeLike
yun!!!! may ass… na ako….
LikeLike
may tanong po ako pakiusap pki sagot takdang aralin po ng anak ko hirap eh..asap…ano ang kahulugan ng mga sumusunod:
napapatigalgal
pasigan
sinasagkaan
dayaray
naghunos
K, hintay ko po salamat:)
LikeLike
Pakisabi sa anak mo na matutong gumamit ng diksiyonaryo, gaya ng UP Diksiyonaryong Filipino. Naroon ang mga salitang hinahanap mo.
LikeLike
Tama po ba yung mga kahulugang nailagay ko sa mga sumusunod na salita?
1. napapatigalgal -napapahinto
2. pasigan – dalampasigan
3. sinasagkaan – pinipigilan
4. dayaray – hangin
5. naghunos – nagsabog
Paki-confirm naman po kung tama o kung may mali po, pakitama, di ko po kasi makita sa internet yung kahulugan e, saka wala po ako nung UP Diksiyonaryong Filipino. Salamat po.
LikeLike
Tama ang 2-3, ngunit ang “tigagál” ay katumbas ng “balisa” o di-mapakali. Ang dayaray ay banayad na hanging nagmumula sa dagat; at ang “naghunos” ay katumbas ng pagpapalit ng balát, o pagbabagong anyo.
LikeLike
hintay ko rin ehhh sana magkatabi tayo para malama natin ang sagot sa ating mga takdang aralin
LikeLike
meron puba ng pangalawang markahan?
LikeLike
salamat at nasagot ko na ang aking takda
LikeLike
Para sa akin npakaganda ng kwento kasi puno ng aral at may matututunan ka talagang leksiyon.
LikeLike
ang ganda ng story
LikeLike
miss na miss na ni tungtung langit c alunsina
LikeLike
parang stair away to heaven
LikeLike
kung gagawing happy ending , baka di nagkaroon ng ulan kaya tama lamang ang pakakagawa.
LikeLike
tanong ko lang paano kung s alunsila ang umiyak ano kaya ang magyayari sa ulan??
LikeLike
Baka walang ulan, dahil wala naman siyang kapangyarihan.
LikeLike
jejejeh meron kmi sa batikan nian eh
LikeLike
pinag aaralan namin yan sa filipino ngaun
LikeLike
ano po ba ang magandang aral na aming makukuha
LikeLike
Magbasa ka at mag-isip at malalaman mo ang aral.
LikeLike
ayos
LikeLike
pinag aaralan namin yn sa school………….:))
LikeLike
hmmmm may ass. ako sa filipino na masugot mo ba ito? marami kasi ey hindi ko masagot paki sagot plssssss asap :)kasi bukas na ang filipino ko 😦
kahulugan ng
napapatigalgal
pasisan
sinasagkaan
dayaray
naghugos
wala kasi sa diksyonaryo ]\ 😦
LikeLike
may karapatan si alunsina na lumikha dahil siya ay isa ring diyosa katulad din ni tungkung langit
LikeLike
wala po bang summary nyan?
LikeLike
wala po bang summary ito?
LikeLike
Wala.
LikeLike
Bakit daw po Tungkung Langit ang pangalan ni Tungkung Langit sa kwento? Salamat po.
LikeLike
Hindi ko alam.
LikeLike
ano po bang klaseng relasyon ang mayroon sila
LikeLike
Parang mag-asawa
LikeLike
this story is good but long at meron pang music ha! bongga!
LikeLike
this is better than other stories that i read at home…..!
LikeLike
so sad naman ng ending nilA sana happy ending
LikeLike
yeees nkuha ko yung sagot thanks sa inyo…!!!
LikeLike
Whoaa.. ka touch naman ang ALAMAT ni TUNGKUNG LANGIT.
Dahil sa kanyang pagpasiya, ayan ay kanyang naging PIGhati.. na nagdulot ng pag-ulan sa kakaiyak.. whoaa. !!
LikeLike
oo nakaka touch ehhh
LikeLike
oahhhhhhhh so touchable!!!!
alamat ni TUNGKUNG LANGIT
grabe !!!!1
LikeLike
oo kaci kundi dahil sa langit at alunsena ay wala sanang uulan kund dahil kay tukung langit pero mali ang gnawa nya kaci hind nya binig yan ng isang pagkakataon na mag likha c alonsena kaya mali ang gnawa nya ….. grabe maging pamily:”)
LikeLike
hha! Kwen2 m0 sa pag0ng
LikeLike
ang ganda ng kwento ah bagay lang sa kanya ang nangyari dahil wala na siyang oras sa kanyang asawa. kaya ganyan ang mangyayari sa inyo ng asawa nyo kung gagayain nyo c tungkung langit ahyyy sana di mangyari sa mga tao ito
LikeLike
grabe ang ganda its a folk litrature story
LikeLike
sana mag karoon ng story sa aklat ito
LikeLike
hahhaha ang ganda nman
:*
LikeLike
oo, syempre na lungkot na rin si tungkung langit sa kanya kay alunsina.eh,hndi nman alm ni tungkung langit na aalis na si alunsina sa kanyang bahay,.”””””’
LikeLike
ano ba ang kaibahan ng alamat ng tungkung langit sa kung bakit umuulan? e pareho naman ang pangyayari sa kwento.
LikeLike
Maaaring pareho ang pangyayari, ngunit nagkakatalo sa paraan at bisa ng pagsasalaysay.
LikeLike
wow, napaka-galing niyo po gumawa ng storia tungkul kay tungkung langit c: isa po ba kayong guro ? just asking po XD at ang haba ng kwento
LikeLike
Hindi ako guro, bagkus manunulat.
LikeLike
ehhh sorry hndi sinasadya
LikeLike
galing talag may napupulot kaming aral ito ang aming assigment ngayong araw na ito july 15 2013 d best ka
LikeLike
atleast nag ka anak sila pero ndi lang sinabi ni alunsina 🙂
LikeLike
ano nga bang asawa si tungkung langit?
LikeLike
Tanong lng po, ano po ang mahalagang aral sa kwento nyo ? =)) Salamat po.
LikeLike
Ikaw ang dapat sumagot niyan.
LikeLike
ang haba nman
hehe t.y
LikeLike
meron poh bang maikling kwento nyan??
pahinge po….
plzzz…..
thank’s
LikeLike
Siguro napapagod na si tungkung langit sa kakaiyak.at kakahanap kay alunsina:-@
WAWA NAMAN
LikeLike
I first encountered the story of tungkong langit and alunsina as a college student watching a “required” play, but the story struck me so much that i ended up keeping the copy of songs they handed out (until today, some 13 years later). i tried looking up the original story, but was surprised to find a totally different portrayal—of alunsina as nothing but a vain, selfish, and lazy woman.
when i came across your story, written from alunsina’s perspective, it moved me like the play i watched… and i realize belatedly, that one reason i gravitate to it is that it mirrors my life. 🙂 i much prefer your longer version, not only for showing alunsina’s side, but because the way you tell the story is very poetic, and beautiful beyond words. 🙂 thank you for posting this. 🙂
(btw, so sorry for posting in english… i’m not a native tagalog speaker and can’t express myself as well in filipino.)
LikeLike
May mga binago pa po ba kayo dito maliban sa pagsasalin ng lenggwahe?
LikeLike
Bukod sa lengguwahe ay sinikap kong ibahin ang punto de bista ng nagsasalaysay. At ang ginamit kong rendisyon ay hagod na tulang tuluyan.
LikeLike
🙂
LikeLike
ang gnda p ng kuwento
LikeLike
naka babaliw ang kwento
LikeLike
ang ng itong kwento tnk you
LikeLike
Any Uganda ng ala at no tungkung langit
LikeLike
Bakit iniwan in alunsina so tungkung langit eh so alunsina naman any may kkasalana
LikeLike
Anong mensahe ng akda/kwento?
LikeLike
ano kaibahan nila tungkung langit at alunsina si alunsina selusa at nag-iisa
at si tungkung langit ay nagtatrabaho
LikeLike
Sinagot mo na ang tanong mo.
LikeLike
ano po ang ibig sabihin ng pinatititikan
LikeLike
“Pinatitikan” o “pinatiktikan”? Ang pinatitikan ay pinaglagyan ng titik o letra; at ang pinatiktikan ay pinasubaybayan, gaya ng espiya.
LikeLike
Maganda ang istoryang ito dahil may mtutunan tayo lalo na kapag binasa natin ito ng buong puso .. marami po tayong matutunan ditto ..
LikeLike
ano pong klaseng asawa si tunkung langit?
LikeLike
Tingnan mo ang katha sa pananaw na babae, at ang lahat ng kilos niya at pagpapasiya, ay umaayon sa lalaki. Sa ganiyang paraan, masasagot ang tanong mo hinggil kay Tungkong Langit.
LikeLike
ang laking tulong to sa kabataan
LikeLike
ano po b pwedeng idagdag na ending dyan po sa kwento
LikeLike
Malaya kang umimbento ng wakas, dahil ikaw na ang awtor niyan.
LikeLike
Project ko Sa literature, salamat po. kahit maikleng Buod lang SAlamat
LikeLike
Paumanhin, ngunit hindi ako gumagawa ng asignatura ng mga estudyante.
LikeLike
Ang ganda talaga ng kwinto.
LikeLike
ang ganda ng kwento na nalaman ni tungkung langit kung gaano ka halaga ang gawain dapat ito ay tulunga hindi ipag damot sa kanyang asawa na si alunsina.
LikeLike
magandang kwento at may magandang aral para sa lahat
LikeLike
Sayang lang at hindi masaya ang pagtatapos
LikeLike
saan kaya nakatira si tungkung langit at si alunsina
LikeLike
Hindi na iyan tinatanong pa. Bahagi sila ng ating kolektibong kubling-kamalayan.
LikeLike
tanong lng poh,c tungkung lngit ay nauukol s langit,san poh nauukol c alunsina?
i will wait ur answr..
LikeLike
Kung may langit ay may lupa.
LikeLike
hango po ba ito sa orihinal na waray na panitikan?
magrereport po kasi ako sa panitikan ng waray
LikeLike
Hango ang alamat sa Waray, ngunit ang paglalahad ay naiiba ang anggulo at may dagdag na punto de bista mula kay Alunsina. Isa rin itong pagtatangka na tumawid sa hanggahan ng tula at prosa.
LikeLike
…quite NICE!!
,eXcitINg,, d’vhEstLgA!
,,rEad m0 aNd y0u’lL eNj0y!!
LikeLike
Ano po ang ibig sabihin ng napapatigalgal, dayaray, naghunos, pasigan at sinasagkaan?
LikeLike
1. napapahinto nang may pagkagulat;
2. simoy na nagmumula sa laot (sea breeze)
3. gilid ng ilog
4. hinahadlangan
LikeLike
anong tula po ang maiuugnay sa ugali ni alunsina
LikeLike
Tula ng pag-ibig at pagtuklas sa sarili
LikeLike
maganda ang istorya tungkol kanila tungku langit at alunsina pero sa aking pagkakaalam parang hindi yun ang istorya parang merong ma nabago sa istorya na nabasa ko dito
gayun paman naging ulap si tungkung langit para makita lng niya ang minamahal niya na si alunsina yun ang hindi ko nabasa
LikeLike
pakisagot nman po. buong kwento na po ba naitala diyan? parang nabitin kasi ako.
LikeLike
Kung ibig mong dagdagan ang kuwento ay maaari, sapagkat ang alamat ay sadyang lumalawak sa bawat ambag ng mamamayan, gaya mo.
LikeLike
Sir Roberto Anonuevo,
meron po ba kayo dito sa blog ninyo ng isa pang bersyon ng pagkabuo ng araw at mga bituin.. yung tinutukoy ko pong alamat ay nagmula pa sa norte.. siguro po bandang ifugao.. yung alamat na nung umpisa ay mababa pa ang mga ulap..
LikeLike
Wala, ngunit maglalabas ako niyan.
LikeLike
Salamat po.
Aabangan ko po iyan.
LikeLike