salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo, at batay sa tekstong Ingles at Hapones ni Zoltan Barczikay at ni Gabi Greve.
Tula ni Manyoushuu
秋山の
黄葉を茂み
惑ひぬる
妹を求めむ
山道知らずも
Nabon sa bundok
ang mga dahong lagás.
Nang hinanap ko
ang naglahong kabiyak
ay naligaw sa súkal.
Tula ni Ryokan ( 良寛 )
世の中は
何にたとへん
山彦の
こたふる聲の
空しきがごと
Ano’ng kahambing
ng búhay sa daigdig?
Tila ba hugong
ng alingawngaw doon
sa bundok tungong langit.
Dalawang haiku ni Matsuo Basho
年暮れぬ
笠きて草鞋
はきながら
Lipas ang taon;
suot ko’y sambalilo’t
saping nilala.
借りて寝む
案山子の袖や
夜半の霜
Hihimbing ako;
Magdaramit ng balyan
ngayong taglamig.
Renga ni Sougi (1421–1502)
Hito wo yume to ya
omoishiruramu;
sumi suteshi,
sono wa kochou no
yadori nite
Mababatid mong
pangarap itong búhay:
ulilang bahay
na ang hardin ay hitik
sa paruparo.
Tulang Tuluyan ni Ryūnosuke Akutagawa (芥川 龍之介)
十七
藻の匂の満ちた風の中に蝶が一羽ひらめいてゐた。彼はほんの一瞬間、乾いた彼の唇の上へこの蝶の翅(つばさ)の触れるのを感じた。が、彼の唇の上へいつか捺(なす)つて行つた翅の粉だけは数年後にもまだきらめいてゐた。
Paruparo
Kumampay ang paruparo sa simoy na amoy-lablab. Biglang nadama niya sa kaniyang tuyot na labi ang hipo ng mga pakpak ng paruparo. Lumipas man ang mga taon, ang gabok na lumapag sa kaniyang labi’y nananatiling kumikinang.