Parang pinagtiyap ang pangyayaring ang pag-ibig ay ibong mailap na dumapo sa sanga ng punongkahoy, humuni ng nakakikilig na awit, saka isinalin nang patuka sa tangkay ang katauhan. Lumayo man ang ibon, maiiwan ang gunita nito sa ugat, sa bunged, sa balakbak, sa sanga, sa dahon, sa bunga, sa bulaklak, sa punongkahoy. At ang punongkahoy ay patuloy na tatayog, yayabong, lililim; at hindi na lamang mananatiling karaniwang punongkahoy gaya noon, dahil maisasaloob nito ang diwa ng pakpak, at ang guniguni ng malayo’t marubdob na paglipad. Samantala, matatangay ng ibon ang halimuyak ng punongkahoy—at madarama na hindi ito kailanman iniwan— magbago man ang simoy ng panahon.

Ang Ibon, larawan mula sa http://www.pdphoto.org
ang ganda po ng talumpating ito ngunit nais ko po sanag hiramin ng ilang saglit salamat po!!!!^^
galingan nyo pa po ang pag sulat salamat
LikeLike
gustong gusto ko po ang mga tulang patungkol sa mga ibon at puno —
salamat po sa magandang tula.
LikeLike