Aliw-iw
Humahagibis ang sasakyan palabas sa kumikislap, maalinsangang lansangan. Umalimbukay ang alikabok na tumakip sa nakaraan, at pumasok sa aking guniguni ang iyong lastag, mamula-mulang talampakan. Sinundan ko ang bakás ng mga paa sa kung anong katwiran, lumundag-lundag sa gusot-gusot na palaisipan, saka nang mapaluhod at magutom ay pusong mamon ng birheng matimtiman ang nalasap nang taliwas sa inaasahan.
Napakalalim na tula, napakahusay at nakakahamong unawain…
LikeLike