Salin at halaw ng “La lluvia” ni Jorge Luis Borges mula sa orihinal na Espanyol
Salin at halaw sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo
ULAN
Lumiwanag nang mabilis itong hapon
Nang umambon nang biglaan at banayad.
Ibinuhos o bumuhos. Matitiyak
Na ang ulan ay umiral nang malaon.
Uulinig ang nawalay na panahong
Ang pag-ulan ay hiwagang ibubunyag
Sa kaniya ng pag-iral ng bulaklak
Na ang pula’y pagkapulang umaapoy.
Mahilam man ang salamin sa pag-ulan
Sa malayong kanayunan, ang ubasang
Maiitim ay gagapang nang masigla.
Walang patyong nakatirik ang narito.
Inaasam yaong tinig sa ama kong
Di pumanaw, kung tikatik ang tamasa.
Walang patyong nakatirik ang narito.
– ang lalim nito! ano ibig sabihin ng patyong guro?
LikeLike
Tumutukoy ang “patyo” sa “patio” sa Espanyol o Ingles, na nangangahulugang “bakuran ng bahay o ibang gusali” o “pook na libangan na kalapit ng tirahan, at karaniwang pinatag para sa kainan.” Naging “patyong” lamang iyon dahil sa hulaping “-ng” na mula sa “na.” Ang orihinal na linya ni Jorge Luis Borges ay “Patio que ya no existe” na ang literal na katumbas ay “wala nang umiiral na patyo.”
LikeLike
ang ganda po ng tula, pati ang musika 🙂
LikeLike