Ang Hilig ng mga Lalaki

Salin ng tulang “What Men Want” ni Laura McCullough
Salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo

ANG HILIG NG MGA LALAKI

Hindi naman ito misteryo. Tsupain lamang.
Kausapin ang sinumang lalaki na maluwag
magkukuwento sa iyo ng mga usapang barako,
at aamin siya. Kainin. Tsupain siya.
Makipaghuntahan sa aling pangkat ng babae
at kukumpirmahin nila ang katotohanan.
Pagkatapos sumang-ayon, magbibiro sila
hinggil sa pagkaubos ng dugo sa utak,
at aastang nakaamoy ng mga bayag na hindi
lamang angkin ng mga lalaki. Makipag-usap
sa mga lalaki nang mag-isa, o may kapares;
magiging tapat sila, at waring magugulat,
at pabulong na magwiwika para maglingid.

Ang binatilyong isinusupot ang iyong pinamili,
ang matandang lalaking naghahatid ng pizzang
hindi mo na kayang iluto, ang kabataang kawal
na galing sa Iraq at kuyom ang kaniyang betlog,
ang anak na lalaki ng iyong kapitbahay
na sabik sumama hangga’t makakaya niya:
ngitian sila, anuman ang kanilang sabihin
hinggil sa mga anyo ng ngiti at panunupil.
Hipuin sila, at kung makalulusot ka,
halikan sila, halikan nang halikan silang lahat,
magpaalam, mangumusta, sa lahat ng publikong
pagtitipon na libre ang beso-beso, at bumulong
ng mga salitang hindi ginagamit na hudyat
sa kanilang mga kapisanan sa mga kahuyan.
Magsimula sa salitang misteryo. Huwag huminto.

"Pagpapalayas kina Eba at Adan sa Paraiso," ni Paul Gustave Doré

"Pagpapalayas kina Eba at Adan sa Paraiso," ni Paul Gustave Doré

4 thoughts on “Ang Hilig ng mga Lalaki

  1. sana naman, isipin pang mabuti ng mga boboto kay noynoy ang kapakanan ng bansa natin. may walo pang kandidato sa pagkapangulo, karamihan sa kanila mas matalino, may mga nagawa na sa bayan natin, at walang kris aquino. God bless our country!!!!

    Like

    • Luma na iyang propaganda mo, at dapat ka nang mag-isip. Si Noynoy Aquino [at ang kaniyang partido] ang may pinakamatinong plataporma de gobyerno, at may pinakamatwid na lunggati para sa bayan, at hindi kataka-taka kung ihalal siya ng mayorya ng mga rehistradong botanteng Filipino.

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.