Dayaray, ni Jelaluddin Rumi

Tula ni Jelaluddin Rumi, batay sa bersiyong Ingles ni Coleman Barks
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

DAYARAY

Kumbaga sa kirot, gaya sa kamay na nahiwa
sa pakikidigma, ituring na damit na suot mo

ang katawan. Kapag nakatagpo mo ang iniibig,
hinahagkan mo ba ang kaniyang kasuotan?

Hanapin mo kung sino ang nasa loob. Higit
na matamis ang pakikipagkaisa sa Diyos

kaysa sa maibibigay na ginhawa ng katawan.
May mga kamay at paa tayo na naiiba rito.

Minsan, nakikita natin iyon sa ating panaginip.
Hindi iyon tagimpan, bagkus tunay na nasagap.

May kaluluwa ka; at huwag ikatakot ang paglisan
sa katawang pisikal. Madarama minsan ito ng kung

sino at makapamumuhay siya nang malusog,
at mag-isa sa kabundukan. Ang balisa, magiting

na gawain ng mga tao ay mahina’t walang saysay
sa mga dervish na nalulugod sa sariwang dayaray.

Kabayo sa ulop

Kabayo sa ulop, larawan mula sa http://www.wormsandgermsblog.com

8 thoughts on “Dayaray, ni Jelaluddin Rumi

    • Tumutukoy ang “dayaray” sa hangin na nagmumula sa laot patungo sa dalampasigan; katumbas ito ng “sea breeze” sa Ingles. Samantala ang “sinasagkaan” ay may pahiwatig ng “pagpigil” o “pagharang”; at ang “naghunos” ay may pahiwatig ng metamorposis o transpormasyon mula sa isang anyo tungo sa ibang anyo.

      Like

  1. maganda po talaga ang alamat ng tungkung langit ngunit di ko lang po talaga siya masyadong maintindihan dahil sa salitang “dayaray“.
    salamat po sa impormasyon..
    malaki po ang naitulong nito sa takdang aralin namin ngayon..
    🙂

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.