UICA NANG PANG-ULO OCOL SA CIGARILLO
Cigarillo, bucor sa yba pang vicio gaia nang alac, sug-al, at libog, ang cahohomaling-an nang sino man tauo, ano man ang caniyang profesión at estado sa liponan at oring pinagmolan. Cigarillo ang nagpapa-calmar nang calamnan, nguni pumupucaw sa ysip at nagpapa-bilis nang tibuc nang puso, at aacala-yin nang homi-hitit na gomagaan ang caniyang lacar sa paliguid na maolap. Cigarillo ang sini-sisi sa malo-lobhang saquit, at ma,i, cientifico na batay-an ang manga medico; gay-on man, ang nan-ci-cigarillo,i, hindi alintana ang posible na taglay-in na saquit bagcos ang pang-samantala na guinhawa na mayidodolot nang nicotina sa marahan na pagpapatiuacal.
Ano ang samâ cun man-cigarillo cun yto,i, macato-tolong sa pagcayor para mapaboti ang tacbo nang bayan? Hindi aco nag-nacaw ni nan-coraquot. Hindi nag-nasa sa cat-awan nang babayi para yraos ang longcot o sama nang loob. Hindi aco nang-api nang manga tauo-han o magsasaca sa amin hacienda. Naguing maboti acon anac at uliran na mamamayan. Cun magpa-osoc man aco,i, lomalabas aco nang silir at sa cun saan soloc maglo-lostay nang tabaco na ang halimoyac a,i, cababaliw-an co. Cigarillo laman ang tangi na nati-tira cong calugor-an na nagpapa-tino sa aquin haban toma-tambac ang papeles at cayilangan con taposin ang trabajo at ano mang oficio.
Salamat nang ualang hoyang, at nag-aalaala cayo. Ynaalala niño ang aquing calusog-an. Catolar cayo nang pang-ulo nang Estados Unidos na bom-ati sa aquin at nag-biro, “Pañero, ytiguil mo na ang vicio.” Pero haban nag-oosap cami sa telefono, nariringig co sa cabila na leña ang hitit-boga niya sa Marlboro. Magtatauahan marahil cami cun magcaharap, magbi-bilang cun ilan neuron ang natitira sa otac, at cun gaano ang nayidagdag na carbon sa paliguir, at sa tabi nang malaquing cenicero ay magpipitik nang abo at magbibilang nang upos. Matatacpan cami nang ulop nang nicotina, at mola doon ay palihim cami na magpapalit-an nang pay-o cun paano mapaririquit ang dayigdig na yto.
Houag cayo na magmadali. Matatanggal co rin yto. Dangan laman at vaca ma-hospital aco capag biglaan hominto. Tiyac na lalacas acon cumain, at tataba. Vaca po magcaroon aco nang alta presión sa bigat nang problema nang bansa, at ataque-hin sa puso sa labis na pagsisicap na pagsilbi-han ang lahat, lalo ang manga ducha at sauimpalar. Catolar cayo nang aquing casintahang may bayit, at dayig ang aquing medico cun mag-litanía nang pay-o at habilin. Magsisimola acon mag-ejercicio sa tolong nang aquing pamangquin at bay-aw, at cun hindi magtagompay, magpapa-tanggal nang bilbil sa baywang, magpapa-laguay nang lason sa noo, at cajit hindi mayiyiuasan a,i, magpapacalbo, ano man ang maboting pay-o ni Doctora Velo.
Houag pong ysipin na aco,i, marahang nagpapacam-atay. Yto laman ang aquin casalanan, at nawa,i, yño namang pagbigay-an.