Mga Gondola, ni Henri Cole

Salin ng tulang “The Gondolas”  ni Henri Cole.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo.

MGA GONDOLA

Napakatagal nang panahon nang lisanin niya ang bayan
at hindi na niya matandaan ang mukha nito.
Sa arena ng mga atleta, walang nakakikita sa kaniyang iniisip.
Si Cristobal Colon, sa tarangkahan ng istadyum, ay nakaturo
sa Bagong Daigdig.
Sandosenang ganap na kristalisasyon ng lamán ang humagibis
sa larangan.
Sa ibabaw nila’y nakabitin ang mga gondola sa kable
na umaangat tungong taluktok ng bundok.
Napakatagal na mula nang magkasakit siya at hindi niya
matandaan kung ano ang humahatak sa kaniya sa parang.
Naririnig niya’y hindi si Miguel na naglalayag sa porselanang
himpapawid, at sumisigaw sa kaniya gaya ng arkanghel,
bagkus ang sugatang nakaraan,
ang mga taon ng di-mapaknit na pangungulila noon pa man
sa mga parke at madidilim na silid na ang iba na gaya niya
ay inaasahang yayao.
“Linawin natin ito,” isang tinig sa dalisay na talumpati ang nagsaad,
“Minahal ng táong ito ang lupa, at hindi ang langit, kaya sapat
na mamatay.”
At ang tsubibo sa baybayin ay gumulong nang gumulong,
at sinalpok ng dagat ang tatlong munting barko ni Colon,
sinisikap nang sinisikap na mapalutang sa ginhawa nito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.