Isang Anyo ng Lagablab, ni Ophelia Alcantara Dimalanta

salin ng “A Kind of Burning” ni Ophelia Alcantara Dimalanta.
salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo.

ISANG ANYO NG LAGABLAB

Ophelia Alcantara Dimalanta

Ophelia Alcantara Dimalanta, retrato mula sa Varsitarsian.net

ito marahil ay sapagkat
sa isang paraan o iba pa
pinaiiral natin ang distansiyang ito
magkalayo tayo gayong magkalapit
sa maraming direksiyon
sa sukdulang ingay
kung paanong ninais natin
ang parehong munting layon at
walang kuwentang bakbakan
pabigkas man o nakahalukipkip
susuyod sa parehong dayami
tititig sa parehong palaisipan
sinisikap makuha ang kara o krus
doon ka sa may gilid
ako naman ang nasa gitna
kimkim ang kunwang tampo
umiibig nang higit sa tinataglay
tinutudla mo ang mga bituin
at pinapatag ko ang damuhan
nagpipilit na umawit o
nilalait ang kathang pagtatagpong
bukod sa arok ng mga pangarap
at binabaklas ng mga araw
tayo’y pawang naging kaawa-awang
mangingibig sa ligaw na daigdig
sa halos lahat ng uri ng paraan
maliban sa hindi tayo nagtatagpo
kundi lamang sa ganitong lagablab.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.