Panahon at Gitara

Amansinaya sa Konsiyerto ng "Kuwerdas ng Panahon"
Amansinaya Añonuevo sa konsiyerto ng “Kuwerdas ng Panahon” noong 11 Disyembre 2010 sa Tanghalang Pasigueño. Kuhang-retrato ni Paul Lois Montero.

Matagumpay na idinaos ang Kuwerdas ng Panahon: A Classical Guitar Concert sa Tanghalang Pasigueño noong 11 Disyembre 2010, at ibig kong pasalamatan ang lahat ng tumulong sa proyektong ito:  PIAN Manila Chapter, RCBC Savings Bank, Atty. Henry Zamora, Tanghalang Pasigueño, APA Guitars, Dindo Balares ng Balita, sina Vim Nadera, Rachel Balawid, Chari Villegas, at Ivy Liza Mendoza ng Manila Bulletin, Tara FT Sering ng Philippine Star, Star Magazine, Lito Zulueta ng Philippine Daily Inquirer, La Immaculada School, St. Joseph Catholic School, Lourdes Samson, Melly Villanueva, G. at Gng. Gil Mendoza, PHILSSA, Our Lady of Remedios, Institute of Science and Technology, Ruben at Rhiz Javier, Segundo “Boyet” Vasquez Jr, CTC Printing Press, G. at Gng. Aldrin V. Carlos, at Atty. at Gng. JP Anthony Cuñada.

Nakatataba ng puso na makita ang mga kabataang gitarista sa larang ng klasikong musika, at mababanggit ang mga bagong sibol na sina Ruelson Bello, Evelyn Batobalonos, Jellou Borbe, Justin Agbulos, at Jerome Agbulos. Ibig kong itangi si Amansinaya Añonuevo, hindi lamang dahil nagkataong anak ko kundi dahil nakita ko sa kaniya ang rubdob, husay, tiyaga, at disiplina, bukod sa mataas na pagpapahalaga at paggalang sa audience na marapat taglayin ng sinumang alagad ng sining.

Sumapit na ang panahon ng aking anak, at marahil hindi ko na maiiwasan ang pagiging stage father sa mga darating na panahon.

8 thoughts on “Panahon at Gitara

  1. Muling pasasalamat po sa pagpili ng aking litrato ni Aman sa concert niya.

    Labis ko po siyang ipagdarasal para sa susunod na pagkakataong magtutugtog siya.

    Like

  2. Mainam na mahumaling ang kabataan sa makabuluhang musika. Mabuti at ang iyong anak ay maagang nahilig sa ganyang sining. Kung matutuhan rin niya ang paglikha ng awit, baka sa hinaharap ay magkaroon tayo ng bagong Gary Granada at Joey Ayala.

    Pagbati.

    Like

  3. Magandang Araw!
    Sir bob, nagtatanong po si Jason Chancoco kung may buong kopya ba raw ng video yung nakaraang konsiyerto nina aman?
    baka sakaling maipost sa Youtube o Facebook.
    Kung mamarapatin po ninyo. sir bob, naging makabuluhan ang araw na yun sa akin, matapos ang pagtatanghal ni aman, tatlong tula rin ang nabuo ko alay kay ruach (Panganay kong anak, na di pinalad isilang). Muli Congrats!

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.