Sundo

Kung ang wika’y makatatawid ng dagat, makararating marahil ito sa Igbaras upang isalaysay ang mga panahon ng pangungulila. Parang dasal itong uulit-uliting sambitin kay Santa Rita, at sa gitna ng ingay, kulay, at ringal ng pista, ay maninibugho sa punong bayan, isasakdal sa langit ang ngitngit, ngunit dahil kapos sa kapangyarihan ay malulugmok sa gilid ng daan. Ibubulong ng simoy ang mga kataga ng yungib na dumuduwal ng mga paniki, at samantalang dumidilim ay ibabalik sa alaala ang taginting ng Timapok o Lagsakan. Maaaring ang digmaan ay maiiwang pilat sa kampanaryo, at ang mababangis na Amerikano ay babangon mula sa libingan, darakpin ang marikit na doktora nang mailugso ang puri, at maghihiganti at lulunurin ang sinumang suwail, para mapiga sa kaniya ang hinihinging impormasyon. Nahan ang aking mahal? Ito ang tanong na magpapabalik-balik na waring yumayanig na mga tambol, habang nananaginip ng mga luha ang Rafflesia, at nilalagnat ang gabi.

Tulang tuluyan © ni Roberto T. Añonuevo. 17 Mayo 2011.

4 thoughts on “Sundo

  1. Ser Bob, kumusta na po? Naibigan ko po ang kabuuhan ng Tula. Ser, maitanong ko lang po, Ang “Igbaras” po ba na nabanggit sa lunan ay ang isang bayan sa Iloilo? At si “Santa Rita” ay ang mismong patron sa Calatrava Negros Occidental? Hindi po ba’t mas kalabisan ang impluwensiya sa Wika at Kultura ng Espanya sa rehiyong nabanggit. At duon din po nakapagtala ng mas karumaldumal na pambubusabos sa kababaihan ang mga Kastila. Pero bakit parang mas umigting pa sa daloy ng tula ang pananakop o pagsasamantala ng Amerikano?

    Like

    • Ginamit ko lamang ang Igbaras na maaaring matalinghagang pook gaya ng sa Iloilo, ngunit hindi ang totoong Igbaras. Kung ang tinutukoy mo ay Igbaras sa Iloilo, matindi ang pagpapahirap na dinanas noon ng mga lokal na opisyal sa mga sundalong Amerikano, na karumal-dumal at dapat isumpa hanggang langit.

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.