Sumasapit tayo sa hanggahan, at ang ating mga paa ay nakausli sa tungki ng bangin. Sa ganitong sukdol, may puwang pa ba ang kaba at pagbabantulot sa lawak ng tangway at matarik na batuhang dalampasigan? Tinatanaw natin ang malayong daigdig, tulad ng pagsipat ng kongkistador kung hindi man palaboy, kahit ang kamatayan ay nasa ilalim ng talampakan. Sinasamyo natin ang dayaray, gayong ang mismong simoy ay inaasahang magtutulak sa atin sa kapahamakan. Nagbibilad tayo nang nakatingala sa init ng araw o dumidipa sa gitna ng ulan, kahit ang ating pandama ay hindi matandaan ang init o lamig ng pag-iral. Nasanay tayo sa di-maliparang uwak na espasyo, at sa sandaling ito, ang pagtindig nang walang tinag ay ehersisyong mabibigong ulitin ng tadhana. Isang hakbang pasulong at lalamunin tayo ng alimpuyo ng mga dahon. Isang hakbang paurong, at mananatili tayo sa katatagan ng mga tanong—na maaaring sagutin ng mahigpit na yakap habang humahagulgol ang mga alon.
Umiiyak, nangungulila pa din ang panganorin. Bagamat ang mismong tulang tuluyan na ekphrasis ay isang daan para tuluyan ding bigyang-hustisya ang isang larawan.
Takot. Nangingibabaw ang damdaming ito sa kabuuan ng tula. Nadarama ko din. Hindi tao ang hindi makadadama ng kahit anong emosyon. Kahit ang inggit. Kahanga-hanga ang di pa naiinggit. Hindi sila tao. Mapagkunwa
Gusto ko po ito sa lahat ng inyong gawa. Ang hinangong larawan ay base sa Dante’s Inferno. Wala man po ako nito, ang esensiya ng karanasan ay maaasahan. Makikita ito dito. At maging sa iba pang akda, hindi ng manunulat na si Sir Bobby Fischer, este Atchison, Ay! si Sir Bobby A. pala….
LikeLike