Mga Bakwet, ni Randall Jarrell

salin ng tulang “The Refugees” ni Randall Jarrell.
salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo.

Walang bakanteng upuan sa gusgusing tren.
Nakalupasay ang batang may punit na maskara
Sa basura ng wasak na silid. Maringal ba ang kanilang
kapanatagan? May mukha at búhay silang gaya mo.
Ano ang taglay nila para pumayag magkasiya sa ganito?
Kumikislap ang tuyong dugo sa rabaw ng maskara
Ng paslit na kahapon ay nag-iiwi ng bayang
Higit na katanggap-tanggap kaysa sa lugar na ito.
Siyanga? Buong magdamag ay tahimik na naglandas
Ang tren pabasura. Bakante ang mga mukha.
Wala ba ni isa sa kanilang nakabatid na maringal
Ang katumbas nito? Paano nila nagawa? Ibinigay
Nila ang anumang kanilang pag-aari.
Dito, hungkag ang lahat ng kalupi.
At ano ang makasasapat sa mariringal na luha
At hiling ng paslit kung hindi ang tagpong ito?
Itakip ang nakapapawi, nakahihindik na maskara
Sa mga araw at mukha at buhay na pawang nilustay?
Ano ang kanilang búhay kung hindi paglalakbay
Sa bakanteng kasiyahan ng kamatayan? At ang suot
Nilang mga maskara ngayong gabi sa pamamagitan
Ng kanilang basura’y pagsasanay na pumanaw.
Sadyang maringal na basahin sa kanilang mga mukha:
Ano ang aming taglay na ayaw naming ipagpalit dito?

One thought on “Mga Bakwet, ni Randall Jarrell

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.