Sendad

Tunghayan ang katawan, at kung nagmumurang kamatis ka, maaaring madagdagan ng bilbil ang baywang, mabawasan ng newron ang utak, o kaya’y umaliwalas ang mukha na parang galak na galak sa magdamag na pagniniig. Mararanasan ang pananabik pagkaraan, ang pangangati at ang pagkagumon lalo’t ritwal na inuulit-ulit ang kabaliwan, at kung hindi magtitiis ay magwawakas sa huntahan ng mga palad ni Maria ang sumusukdol na pag-iinit. Kung pumuti man ang patilya at balbas, pahiwatig iyon ng panahon at pagkatuto. Titimbangin mo ang sarili sa harap ng salamin, titimbangin ang iniinom na gamot at inuubos na pagkain, susukatin ang presyon ng dugo at susukatin ang pasensiya ng puso, at magkakasiya ang iyong konsiyensiya na manaig sa ginhawa ng layaw. Pagtatakhan ka ng kabiyak, at bibiruin ng mga anak. Mauunawaan mo ang halina ng tagsalat sa mga disyertong rehiyon, at kung hindi ka titigil, maihahaka na ang iyong taba ay langis na nag-aangkin ng lihim na yaman at mineral, na ikaw at ikaw lamang ang makikinabang, habang iniihaw ang iyong pangungulila sa kailaliman, at tinitingala mo ang nangangabayong hulagway.

Tulang tuluyan © ni Roberto T. Añonuevo. 23 Agosoto 2011.
"La tumba del poeta" (Libingan ng makata), 1900, pintura sa oleo ni Saenz Pedro Saenz.

"La tumba del poeta" (Libingan ng makata), 1900, pintura sa oleo ni Saenz Pedro Saenz.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.