Lorelei, ni Heinrich Heine

salin ng “Lorelei,” ni Heinrich Heine [Christian Johann Heinrich Heine]
salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo.

Ganap akong bigong hanapin ang ugat
Kung bakit ba ako’y balisa’t malungkot;
May isang kuwentong ako’y binagabag
at hanggang paghimbing ay nambubulabog.

Malamig ang simoy noong agaw-dilim
At ang agos sa Rhine ay sadyang tahimik;
Ang tuktok ng bundok ay taglay ang ningning
Ng araw sa gabing marahang napalis.

Doon sa itaas, marikit na nupo
ang kahanga-hanga’t basal na dalaga.
Lumantad sa tanaw ang lihim na ginto
na sa ulo niya’y may kinang ang hibla.

At sinuyod niya ng bulawang suklay
Ang malagong buhok habang umaawit
Ng himig na buo’t iba kung dumantay
Sa mga pandama sakali’t marinig.

Ang bangkerong sakay ng munting baroto’y
Tinuklaw ng lamlam na gumala-gala.
Ni hindi pinansin ang bato sa dulo
o proa ng bangka, siya’y tumingala.

Tila wawasakin ng along mabagsik
Ang bangka’t bangkero, wari nitong loob.
At iyon ang dahil ng muling pag-awit
Ng isang Lorelei, na sukdol ang rubdob.

"Lorelei," (1864), oleo sa kambas ni Eduard Jacob von Steinle

"Lorelei," (1864), oleo sa kambas ni Eduard Jacob von Steinle

2 thoughts on “Lorelei, ni Heinrich Heine

  1. Patawad sa aking filipino, I’m still learning to get use to it. It a beautiful poem in it’s sadness, historically speaking Lorelei has been known in Germany in the Rhine by a rock that kills skippers, coincidentally there is a small difference in time with the american brother’s Grimm’s Rapunzel. The differences just Lorelei is one of the oral literature that establish the national identity of germany thru collective unconscious, side by side with works of Gunter Grass. However this poem is also offensive to feminists since it implies man’s vulnerability to destruction, it is a part of the romantic era that sees beauty in sadness kinda like Derrida’s binary opposites. Some say Lorelei is from the sirens introduce by Homer, yet in it’s German folk background it is a timely and timeless literature.

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.