Dapithapon
Huminto at lumampas ang mga sasakyan,
tumambay at humakbang ang mga anino,
ngunit ikaw ay hindi nasilayan sa kanto.
Larawan ng wala, ikaw ang mga paglalakbay.
Mauunawaan ka ng pulis sa ilalim ng tulay
at lulundo ang tulay sa pangako ng mga ilog.
Sapagkat ikaw ay mainipin gaya ng panahon,
habulin ng tanaw ay ano’t ni hindi mapigil,
pigilin ang hulagway ay batang nagmamaktol.
Huminto at humakbang ang mga anino,
tumambay at lumampas ang mga sasakyan,
at ako, di gaya mo, ay mananatili sa ibayo.
talagang stick to one!
LikeLike
isa hinahangaan kong makata si ginoong roberto. taglay ng bawat tula ang liyab sa bawat kataga
LikeLike