Mithing Magpinta, ni Charles Baudelaire

salin ng tulang tuluyan sa Pranses ni Charles Baudelaire
salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Mithing Magpinta

Malungkot marahil ang tao, ngunit masaya ang alagad ng sining na sakbibi ng mithi.

Nagliliyab ang mithing ipinta ko siya, ang enigmatikong babae na nasilayan ko minsan at naglaho nang mabilis, gaya ng isang bagay na pinanghinayangang maiwan ng isang manlalakbay na hinigop ng gabi. Ay, anung tagal na nang mawala siya!

Marikit siya, at higit sa marikit: siya’y nakayayanig. Lukob siya ng dilim, at siya’y inspirado ng anumang malalim at panggabi. Ang kaniyang paningin ay dalawang yungib na may misteryosang liyab, at ang kaniyang sulyap ay nagpapaningning gaya ng kidlat—isang pagsabog sa karimlan ng magdamag.

Maihahambing ko siya sa itim ng araw, kung maiisip ang isang bituing nagbubuhos ng liwanag at ligaya. Ngunit mabilis na maihahalintulad siya sa buwan; ang buwan na nagmarka nang malalim ang impluwensiya; hindi ang matingkad, malamig na pinilakang buwan ng romantikong katha, bagkus ang mapanganib at langong buwan na nakalutang sa maunos na gabi at hinagod ng nag-uunahang ulap; hindi ang payapa at tahimik na buwan na dumadalaw sa mga walang konsensiyang tao, bagkus ang buwan na hinaltak mula sa kalangitan, bigo at mapanlaban, at nagtutulak sa mga mangkukulam na taga-Tesalya upang magsisayaw sa nahihindik na damuhan.

Sa kaniyang maliit na bungo ay nananahan ang matatag na kusà at ang pag-ibig ng maninila. Gayunman mula sa ibabang bahagi ng nakagigitlang mukha, sa ilalim ng balisang ilong na sabik na singhutin ang anumang lingid at imposible, biglang sumasambulat ang halakhak, at taglay ang di-mabigkas na ringal, ang kaniyang bibig na malapad, na may kapulahan at kaputian—at katakam-takam—ay makapagdudulot ng panaginip ng pambihirang pamumukadkad ng bulaklak sa bulkanikong lupain.

May mga babaeng nagdudulot ng pagnanasa sa mga lalaki na sakupin silang mga babae, at gawin ang anumang nais nila sa kapiling; ngunit ang babaeng ito ay naglalagda ng mithing yumao nang marahan habang ikaw ay tinititigan.

5 thoughts on “Mithing Magpinta, ni Charles Baudelaire

  1. Saan po ba maaring magpasa ng mga tula upang mabigyan ito ng puna upang lalong mapaganda, ang mga nagsisimula pa lamang na humabi ng tula nang ‘online’ . Gusto ko po sanang mapabuti ang aking mga gawang tula. Nagpapauna na po ako ng pasalamat at isang karangalan ang pagtugon ng mga primyadong makata ng Pilipinas na madalas sumagot sa mga blog na ito.

    Like

      • Maraming salamat po, maari nyo po bang tingnan ang isang ito sa ibaba, maituturing na ho ba itong tula:

        WALANG SIMBAHAN

        Walang simbahan ang pag-ibig
        kung di nito panata ang dumiyos;
        ang puso’y sa pintig lamang nananalig

        Kapag sumasamba ang labi sa halik
        at dumarasal ang dibdib sa yapos;
        walang simbahan ang pag-ibig

        Itinatakwil ng diwa’t lirip
        ang anumang sakdal ikadarahop;
        ang puso’y sa pintig lamang nananalig

        At sumpain man ng kalbaryo’t langit
        ay di dumiripa’t naglulumuhod;
        walang simbahan angg pag-ibig

        Kahit libong ulit kitling pilit
        ay uusbong bilang pangakong lupalop;
        ang puso’y sa pintig lamang nananalig

        At kung di sa alinmang doktrina’t utos
        ito papipigil, palulupig;
        walang simbahan ang pag-ibig
        kung puso nati’y sadyang nananalig

        Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.