Salin ng “No Estrella,” ni Vicente Aleixandre mula sa Espanya.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo mula sa Filipinas.
Walang Bituin
Sino ang nagsabing ang katawan
na hinubog ng mga halik ay kumikislap
nang sukdol gaya ng buntala
ng kaligayahan? O aking bituin,
bumaba ka! Ang iyo nawang liwanag
ay maging lamán, maging lawas, dito
sa ibabaw ng damuhan. Maangkin
nawa kita sa wakas, pumipitlag sa uway,
talâng bumulusok nang wagas sa lupa,
at nang dahil sa aking pagmamahal
ay isasakripisyo ang iyong dugo’t liwanag.
Hindi, huwag, o aking paraluman!
Dito, mapagkumbaba’t masasalat
na naghihintay sa iyo ang lupain!
Dito, isang lalaki ang umiibig sa iyo.