Salin ng “The Wisdom of Hallaj,” Ali Al-Jallawi
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo.
Karunungan ni Mansur Hallaj*
Kapag nagpumilit ang puso,
Nakagagawa ito ng mga mali
Alam natin yaon
Ngunit ang hindi isinasaad
Ng tula’y
Nauunawaan ng mga propeta.
___________
* Tumutukoy kay Mansur Hallaj (c. 858-922 CE) na isang Persiyanong mistiko, manunulat, at guro ng Sufismo.