salin ng tulang “Song of the Native Land” ni Jaroslav Seifert ng Czech Republic.
salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Republika ng Filipinas.
Awit ng Lupang Sinilangan
Maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak
ang lupaing nagsilang sa iyo, nagbigay ng buhay,
maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak,
matamis kaysa tinapay mula sa nilamas na mása
na pinagbaunan mo nang malalim ng patalim.
Maraming ulit kang nasiraan ng loob, nabigo,
at madalas sariwang nagbabalik ka rito,
maraming ulit kang nasiraan ng loob, nabigo,
sa lupaing ito na napakayaman at pilî ng araw,
dukha gaya ng taglagas sa hukay na pulos graba.
Maganda gaya ng bangang pintado ng bulaklak,
mabigat ang ating sála na hindi napapawi,
ni ang gunita nito’y hindi maaagnas kailanman.
At sa wakas, sa dulo ng ating pangwakas na oras,
matutulog tayo sa napakapait na sahig ng luad.
I would just like to ask what is the meaning of this poem and what inspired him to write this poem? Thank you!
LikeLike
Ang tula ay hinggil sa pagbabalik sa iyong lupang tinubuan, at isang uri ng paggunita, kung hindi man pagnamnam sa kagandahan nito. Kung anuman ang nagtulak sa kaniya para sulatin iyon ay hindi mahalaga. Ang mahalaga ay makita kung bakit maganda ang pagkakasulat, kung paano siya naglalaro ng mga salita at diwa. At kung paano niya pinasasapol sa atin ang kaniyang talinghaga.
LikeLike
Sorry, to bother, but I’m doing this for a project kase po in school. Why does he compare the love for one’s country to vase/jug painted with flowers? What does he mean about being dishearted but returning? and why does he talk about guilt at the end? Thank you po
LikeLike