Salin ng tulang “kita mainan waktu,” ni Baha Zain ng Malaysia.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.
Laruan tayo ng panahon
naglalaro ka sa pasig,
anak, gaya ng talangkang
umakyat sa malumot na batuhan
nagbabalik sa kasibulan
at tinatanaw ang layo ng araw
pantay ang tubigan sa baybayin
ngunit hindi tayo dapat magtagal
mamamaalam ang araw at didilim
hindi palaging nasa atin ang búkas
dahil maghahari muli ang oras