“Para sa Konsiderasyon ng mga Makata,” ni Haki R. Madhubuti

Salin ng tulang “For Consideration of Poets” ni Haki R. Madhubuti.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Para sa konsiderasyon ng mga makata

Haki R. Madhubuti

nasaan ang tula ng paghihimagsik,
. . . . . . . . ang tula ng marangal na pakikibakang
hindi takót sa kasinungalingan ng politiko’t negosyante,
hindi magalang sa peryodistang nagsusulat
ng opisyal na pahayag ngunit salát sa edukadong pag-iisip
walang dobleng siyasat o pailalim na tanong
na pawang hinihingi ng digmaan?
nasaan ang tula ng pagdududa at paghihinalang
hindi nagsisilbi sa estado, obispo, at pari
hindi nagsisilbi sa magagandang tao at pangakong
. . . . . . . . .mula sa des-oras ng gabi,
hindi nagsisilbi sa impluwensiya, inkompetensiya,
 . . . . . . . . at usapang akademikong katatawanan?