Salin ng “Stars whirling in the dark” ni Muti’ ibn Iyas (704-785).
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.
Umiinog ang mga bituin sa dilim
Muti’ ibn Iyas
Umaga noon sa Baghdad, at nag-iinuman kami,
Nang pukawin ng puting mukha’t mga matang itim
Sa bahay na ang mga kristal na báso ay mga bituing
umiinog sa dilim sa piling ng mga kapuwa lasenggo.
Ang aming tanggero’y naghain ng puro o halong alak;
Anung sarap ng alak kapag timplado ang halò!
Isinaboy sa aming ulo ang pinong pulbong azafran,
At pinutungan kami ng koronang hasming ginintuan.
Tumotoma pa rin ako hanggang lumubog ang araw,
Sa gitna ng saliw ng himig ng kastanyetas at laúd.