“Ang Kamatayan,” ni Eugénio Tavares

Salin ng “A Morte” mula sa orihinal na Portuges ni Eugénio Tavares ng Cabo Verde.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Ang Kamatayan

Eugénio Tavares

. . . . . .“Mapagpalaya at dalisay ang kamatayan!”
 . . . . . .  . . . . —Antero

Ang kamatayan ay lubhang mapagbigay
At may sagradong misyon mula sa Maykapal
Upang ihimlay ang napakagulong búhay
At maghatid ng mapagpalayang kaligtasan:

Sa malamig na kandungan ay namumuhay siya
At malimit hanap ang ginhawa mula sa pagdurusa
Na ang mapusyaw na esensiya ay hindi makita
ng mga naghihirap at pinagkaitang masa.

Ang makapal ngunit mabait niyang palad
Ay hindi matitinag na ulingang kamay
Na tangan ang maitim, matalas na karit;

Ngunit puting kamay din ng pag-ibig at banayad
Mag-aruga, at walang hanggang talibang nanay
Para sa mga kaluluwang ang tadhana’y malupit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.