Salin ng “Symptoms of Love” ni Robert Graves ng United Kingdom.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.
Sintomas ng Pag-ibig
Robert Graves
Ang pag-ibig ay unibersal na sakit ng ulo,
Isang matingkad na mantsa sa pananaw
Na tumatakip sa katwiran.
Sintomas ng pag-ibig
Ang pagkapayát, pagseselos,
Lulugo-lugong bukang-liwayway;
Ang mga pangitain at bangungot—
Pakikinig sa katok,
Paghihintay ng pahiwatig:
Para sa hipo ng kaniyang mga daliri
Sa madilim na silid,
Para sa mga matang naghahanap.