“Takipsilim,” ni Jánka Kupála

Salin ng tula ni Jánka Kupála [Я́нка Купа́ла] ng Belarus.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Takipsilim

Jánka Kupála

Ibig kong mangarap ngayong takipsilim
Na ang mundo’y suot ang itim na damit,
Ang tala’y ninilip sa bintana’t dingding
O kay-gandang masdan ang tagpong malamig.

Pumasok sa diwa ang lipon ng bisyong
Malamlam ang aking palad kaysa gabi;
Kahit itong pusong matibay ang layon
Ay ano’t may luhang dumaloy sa pisngi.

At nangarap ako’t minsan pang naghintay
Nagtanong kung bakit wala akong sagot
Kung magbabago pa itong kapalaran.

Balang araw ako’y biglang papalarin.
Ang kaalipnan ba’y ganap malalagot,
O doon sa hukay ang bangkay dadalhin?

1906