“Ang Pulubing Babae ng Nápoles,” ni Max Jacob

Salin ng tulang tuluyan mula sa koleksiyong Le Cornet a Des ni Max Jacob ng France.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Ang Pulubing Babae ng Nápoles

Nang mamuhay ako sa Nápoles, malimit naroon sa gilid ng pintuan ng aking palasyo ang pulubing babae, na aking hinahagisan ng barya bago ako pumasok ng kotse. Isang araw, dahil sa pagtataka na hindi man lámang ako nakatanggap ng anumang pasasalamat mula sa kaniya’y tiningnan ko ang pulubi. Nang suriin ko nang mabuti’y ang inakala kong pulubing babae ay isa palang kahon na yari sa kahoy na pinintahan ng lungti, at nagtataglay ng kaunting pulang luad at ilang bulok na saging.

 

_____________
*Batay sa saling Ingles ni John Welch, at kabilang sa koleksiyong Le Cornet a Des ang orihinal na tula sa Frances ni Max Jacob.