“Isang Tula ng Pag-ibig,” ni Etheridge Knight

Salin ng “A Love Poem,” mula sa koleksiyong Born of a Woman (1980) ni Etheridge Knight.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Isang Tula ng Pag-ibig

Hindi ko inaasahang ang kaluluwa ni Penelope
Ay pumasok sa dibdib mo, dahil di ako makapangyarihan
O walang takot. (Tanging ang pag-ibig ang matapang,
Ang batuhán laban sa hangin.) Umiyak at humalukipkip
Ako nang sumilip ang mga síklope sa aking yungib.

Hindi ko inaasahang mahahaba ang iyong liham
At ukol sa pag-ibig, mabulaklak at pilosopiko,
Dahil ang mga salita ay hindi ang nagbibigkis sa atin.
Tanging kailangan ko’y ang matibay na patunay
Ng iyong pag-iral para ako’y magpatuloy na mabuhay.
Ang ating pag-ibig ay batuháng sumalunga sa simoy,
At hindi malambot, gaya ng seda at puntilya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.