“Himig ng Takipsilim sa Ilog,” ni Bai Juyi

Salin ng 暮江吟 [mù jiāng yín] ni Bai Juyi ng China.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Himig ng Takipsilim sa Ilog

Nakalatag sa tubigan ang papalubog na araw,
Ang kalahati ay pula’t esmeralda ang kaniig.
Tatlong gabing matatalik sa ikasiyam na buwan,
Ang hamog ay mga perlas, at may búsog yaong langit.

Takipsilim sa laot.

Advertisements