“Kanino man ang landas,” ni Tsegaye Gabre-Medhin

Salin ng “Who is on whose way” ni Tsegaye Gabre-Medhin ng Ethiopia.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Kanino man ang landas

Hindi ko alam, ginoo, na humalang ako sa iyong daan,
At naganap ang lahat nang di-inaasahan. Makipagtalo
Sa iyo ay wala sa lugar, at kung tayo’y mag-aaway,
Ang iba ang tiyak na magtatagumpay;
At yamang ang landas na ito ang kinabukasan ko rin,
Ang tadhana ang pumipilit sa aking sumagot ng “Hindi.”
Sikaping makapagtimpi, o kung hindi’y magagawa mong
Itaya ang bunga ng gawang pagsisisihan sa anyo ng biro;
Dahil kung may krimen, ang maysala ay sadyang karaniwan.
Ako rin ay katulad mo, kung lulugar ka sa kinatatayuan ko.
Kayâ magpalít tayo ng puwesto, at magpalit ng papel.
Gaano man maging kapait ang lahat ay dapat maganap.
Batid nating wala namang mawawala nang gaano,
Na kahit naririto tayo’y napakalawak ng pagitang espasyo.
At sa kabila ng lahat, sasapit ang araw na kapuwa tayo yayao.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.