Epitapyo, ni Juan Gelman

Salin ng “Epitafio,” ni Juan Gelman ng Argentina
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Epitapyo

Isang ibon ang namuhay sa akin.
Naglakbay ang bulaklak sa aking dugo.
Ang puso ko’y isang biyolin.

Umibig at di ako umibig. Ngunit minsan
Ako’y inibig. Masaya rin ako:
Ukol sa tagsibol, sa magkadaop-palad,
Sa kung ang ano ang masaya.

Ani ko’y dapat maging ganap ang tao!

(Dito nakahimlay ang ibon.
. . . . . . . . . . . . . . . . .  . Ang bulaklak.
 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Ang biyolin.)

tree, forest, black and white, old, stone, dark