Salin ng tula ni e. e. cummings (Edward Estlin Cummings)
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo
ang sinta ko’y nagtatayo ng gusali. . . (XII)
ang sinta ko’y nagtatayô ng gusali
sa palibot mo, ang marupok madulas
na bahay, ang matibay babasaging bahay
(nagsisimula sa isang simula
ng iyong ngiti), ang bihasa gusgusing
bilangguan, ang tiyak nakaaasiwang
bilangguan (nagtatayô ng kung ano sa Gayon,
Paikot sa walang ingat na mahika ng bibig mo)
ang sinta ko’y nagtatayô ng mahika, na banayad
na tore ng mahika at (hula ko)
kapag ang Magsasakang Kamatayan (na kinaiinisan
ng mga diwata) ay dudurugin na ang armada
ng bulaklaking bibig
Hindi na siya ang magiging aking tore,
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . ..na pinagpawisan, pangkaraniwan
na ang pinaikutang ngiti
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ay nakabitin
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .at agaw-hininga