Bawal, ni Eugenio Montale

Bawal

Salin ng “Verboten,” ni Eugenio Montale
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Sinasabi nilang sa gramatika ni Kafka,
nawawala ang panahunang panghinaharap.
Ito ang natuklasan ng isang tao na pinanatili
ang pagkamalihim at may magandang dahilan.
Walang dudang pinangangambahan niya
ang mga lantad o kahit lumiliyab na bunga
ng kaniyang pagkahenyo. At si Kafka,
ang demonyong albularyo, ay lalapit
sa tulos ng mga larawan o sa mga akda niya,
na ang karamihan ay ni hindi maibenta.

wood wall sign property prohibited forbidden danger safety do not enter restriction outdoor structure

Advertisements