Pabula, ni Octavio Paz

Pabula

Salin ng “Fabula” ni Octavio Paz ng Mexico.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas.

Para kay Álvaro Mutis

Ang mga panahon ng apoy at simoy
Ang kabataan ng tubig
Mulang lungti hanggang dilaw
.  .   .   .  . . . . . . . . . . . .  . . .   .Mulang dilaw hanggang pula
Mulang pananaginip hanggang pagmamasid
. . . . . . . . . . . . . . . . . .  Mulang lunggati hanggang pagkilos
Isang hakbang na lámang at hindi mo pinag-igihan
Ang mga insekto’y pumipitlag na hiyas
Humihimlay ang init sa gilid ng sanaw

Ang ulan ay waring malatiki na magulo ang buhok
Ang punongkahoy ay tumatayog sa iyong palad
At ang punong iyan ay tumawa, nanghula, kumanta
At ang mga hula nito’y nagkabagwis at umimbulog
May mga payak na milagrong tinatawag na mga ibon
Ang lahat ay para sa isa’t isa
Ang isa’t isa ay para sa lahat
May isang napakalaking salita na wala ni likuran
Ang salita na gaya ng araw
Isang araw ay magkakadurog-durog ito sa libong piraso
Ito ang mga salita ng ating wikang inuusal ngayon
Mga piraso na hindi na muling mabubuo pa
Mga basag na salaming tinititigan ng wasak na mundo

Stop illegal arrest. No to kidnapping. No to illegal detention.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.