Madaling-araw
Salin ng tula ni Yi Kyu Bo ng Sinaunang Korea
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
Tumilaok ang manok sa silungan niya sa tabing-ilog.
Batid kong sasapit na ang madaling-araw.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Pumuputla-putla na ang buwan.
Itim ang mga kilapsaw na dumaraan, isa-isa,
gaya ng mga anino sa puting tulay ng buwan.
Bumangon ang simoy ng madaling-araw
kung saan lumalawiswis ang mga punong sawse.
Gumuhit sa katahimikan ang malayong awit,
na palapit nang palapit,
at pauwi na ang mga mangingisdang nagpuyat.
Puti ang mga damit nila gaya ng bulaklak ng tambo,
na may sinag ng buwan.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Teka, sila ba ay mga multo o tao?
Hindi ko masabi. Unti-unting naglaho ang awit nila.

Yes to human rights. No to illegal arrest. No to bogus operation.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .