Pangwakas na Bulaklak ng Taglagas, ni Edith Södergran

Salin ng “Höstens sista blomma,” ni Edith Södergran ng Finland
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Pangwakas na Bulaklak ng Taglagas

Ako ang pangwakas na bulaklak ng taglagas.
Inihele ako sa duyan ng tag-araw,
Itinadhana akong magbantay sa simoy Nórdiko;
sumiklab ang mapulang apoy
sa aking maputing pisngi.
Ako ang pangwakas na bulaklak ng taglagas.
Ako ang pinakabatàng butó ng patay na tagsibol,
At napakadalȋng mamatay bilang pangwakas.
Nakita ko ang lawàng kahanga-hanga’t bughaw,
Narinig ko ang pitlag ng puso ng patay na tag-araw,
Walang ibang butil ang kalis ko kundi kamatayan.

Ako ang pangwakas na bulaklak ng taglagas.
Nakita ko ang mabituing rurok ng taglagas;
Kimkim ko ang liwanag sa malalayong dapugan,
At napakadaling sundan ang parehong daan.
Ipipinid ko ang mga lagusan hanggang kamatayan.
Ako ang pangwakas na bulaklak ng taglagas.

Stop weaponizing the law. Anti-drugs campaign should not be used to trample human rights. No to illegal arrest. No to illegal detention. No to extra-judicial killing.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.