Mapuputing Bandera, ni Sung Sam-moon

Salin ng tula ni Sung Sam-moon ng Sinaunang Korea
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Mapuputing Bandera

Sung Sam-moon (Sirka 1420 A.D.)

Pumapagaspas ang mapuputi, mahahabang bandera
na hinihipan ng malamig na simoy.
Lumalagabog at umaalingawngaw ang mga tambol
upang pabilisin ang aking búhay tungo sa bibitayan.
Nangakapalibot sa aking kinatatayuan
ang mga mapang-inis na ngisi at mapanlibak na titig.
Sakâ sinipat ko nang tapat ang papalubog na araw.
Saan ako hihimlay kapag nagwakas ang lahat ng kirot?
Wala ni upahang bahay sa loob ng Dilawang Lilim—
at walang makapagsasabi kung saan ako hihimbing.

Stop weaponizing the law. No to illegal arrest. No to illegal detention. No to extrajudicial killing.