Soneto XI, ni Garcilaso de la Vega

Salin ng “Soneto XI,” ni Garcilaso de la Vega ng España
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Soneto XI

Nimpang mapapayat na ilog ang baláy,
kontentong tumirá sa gayong bulwagang
binuo sa hiyas na labis kuminang
na pati haligi’y makislap na kristal,

magburda man kayo sa buong maghapon,
o humabi’t tela ang hawak sa talón
o magkuwentuhan nang bukod sa alon
upang isalaysay ang puso’t ang gulؚóng

ng buhay, huminto kahit na sandalî,
tumingin sa aking abang nakatindig
at di magtatagal, sa inyo’y sasapì

ang awa sa akin, magpupukol-pansin,
o kung sa pagluha’y maging tubig ako
may puwang ang lahat nang ako’y gumaling.

Stop weaponizing the law. Uphold the human rights of every Filipino. No to illegal arrest. No to illegal detention and kidnapping. No to extrajudicial killing.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.