Mga Pangarap at Patatas, ni Abbas Beydoun

Salin ng tula ni Abbas Beydoun ng Lebanon
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Mga Pangarap at Patatas

Abbas Beydoun

Ipinasok nila ang isda sa hurnó at niluto.
Binunot nila ang mga pangarap mula sa lupa.
Dito na ang mga tao ng balón ay nangaglaho,
naglaho rin ang iba pang sinundan ang bakás ng ibon.
Naghukay kami para sa mga panaginip at patatas
at dumaklot ng mga pumupusag na isda.
Kumain kami ng maraming lihim at libong bukál.
Hangga’t gapiin kami ng labis na pagod o pagtanda,
hindi kami mababahala kung maglaho man ang lupain
sa aming paningin.

Stop weaponizing the law. No to illegal arrest. No to illegal detention. No to extrajudicial killing. Upholding human rights is beneficial to all Filipinos!

2 thoughts on “Mga Pangarap at Patatas, ni Abbas Beydoun

  1. Totoo po na giliw na giliw ako sa pagbabasa ng mga tula na isinalin/iniliwat sa Filipino mula sa mga tulang banyaga. Maraming Salamat po.

    Like

    • Eliseo, marahil ay panahon na upang tulungan mo ako sa malawakang pagsasalin. Kung naibigan mo ang mga salin ko, mabuting pag-ibayuhin mo rin ang pagsasalin o kaya’y pagkatha ng mga orihinal na akdang Filipino.

      Tungkulin nating lahat na magsilbi para sa ikauunlad ng ating Filipino. Huwag na tayong umasa pa sa gobyerno.

      Hinahamon kita sa malawakang himagsikan sa himpapawid, sa ngalan ng ating wikang minamahal na patuloy na umaalimbukad.

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.