Salin ng “Les Plaisirs de la porte,” ni Francis Ponge ng France
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
Mga Kaluguran ng Pinto
. . . . . .Hindi humihipo sa pinto ang mga hari.
. . . . . .Ito ang tuwa na lingid sa kanila: ang pagtulak pabukás, sa marahas o marahang paraan, ng isa sa malalaking pamilyar na panel, at ang paghatak pabalik sa kinalalagyan nito—ang paghawak sa pinto na waring niyayakap.
. . . . . .. . . Ang galak sa pagtangan sa porselanang pihitang nasa pusod ng isa sa matatangkad na harang sa silid; ang mabilis na pagdadaop, sa pasulong na galaw na sandaling pinigil, habang bukád na bukád ang paningin, at ang buong katawan ay umaangkop sa bagong pahingahan.
. . . . . .Nananatili ito nang matagal-tagal sa mabait na kamay bago isakatuparan ang mapagpasiyang tulak at ipinid ang pinto kapag nasa loob na ang tao, ang kalagayang kasiya-siyang tinitiyak ng lagitik ng matibay ngunit madulas na kandado.

Stop weaponizing the law. No to illegal arrest. No to illegal detention. No to extra-judicial killing. Uphold human rights at all costs!