Salin ng tula ni Wasif Bakhtari ng Afghanistan
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa bersiyong Ingles ni Qasem Ghazanfar
Disaster
Ang puso ko, gaya ng mga tuyong dahon sa hurno,
Ay nasusunog sa malungkot na kapalaran
. . . . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . . .ng mga butó ng granada
Dahil sinumang tumulong na palayain ang mga ito
Mula sa mahigpit na pagkakabálot ng mga balát
Ay kinukuyom muna nang mahigpit ng mga palad
At pagdaka’y masayang ngangatain nang isa-isa.
Retrato mula kay Nathalie Jolie.