Pagtabo ni Allen Curnow

Salin ng “Well Paid,” ni Allen Curnow ng New Zealand
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Pagtabò

Hindî na nágniníngas ang apóy sa loób ng salitâ.
Nagpakúnat sa rítmo ang paggámit, nagburá sa dupók
na hulagwáy na lumitáw at naglahòng gáya ng lagabláb.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  Ang málaláwak na tubigán
ay natútuklasán sa daigdíg, at sadyâng malalamíg lahát,
di-alintanà ang yugtô ng pagsílang at pagkamatáy.

Stop weaponizing the law. Yes to humanity. Yes to human rights.

Advertisements