Bayarang Politiko, ni Wasif Bakhtari

Salin ng “Ruspian-e Siasi,” ni Wasif Bakhtari ng Afghanistan
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo,                                batay sa bersiyong Ingles ni Qasem Ghazanfar

Bayarang Politiko

Libakin nawa ako,
sumpain nawa ako
kung hilingin ko ang ibang bagay;
ang tanging hiling ko sa iyo’y bigyan
ng pildoras para hindi na magkaanak
ang mga bayarang politiko
upang mapigil na dumami pa
ang kanilang lahing kasuklam-suklam.

Stop weaponizing the law. No to extra-judicial killing. No to illegal arrest. No to illegal detention. No to bloody drug war! Yes to human rights. Yes to humanity!