Salin ng “Mbi supët e kohës sime,” ni Fatos Arapi ng Albania
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
Sa balikat ng aking panahon
Sa balikat ng aking panahon,
inihilig ko ang aking ulo.
Hindi ako natulog, umidlip.
Sa balikat ng aking panahon,
na tulad ng Kaniyang balikat,
napuspos ako sa pag-iisip.