Bakal at Goma, ni Magnús Sigurðsson

Salin ng “Járn og gúmmí,” ni Magnús Sigurðsson ng Iceland
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Bakal at Goma

Salagintong minamahal,

Gumapang ka
sa pagitan ng mga hanay
ng bagong sibol
na mga bulaklak:

Hindi ko matiis
ang pitong taon mong
kamalasan.

At lalong hindi masikmura
ang bigat ng yapak
ng mga gomang sapatos.