Giyera at Igos, ni Miguel Hernández

Salin ng “Tristes guerras,” ni Miguel Hernández ng España
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Kay lungkot ng mga digma

Kay lungkot ng mga digma
Kung salát sa pag-ibig ang paggawa.
Kay lungkot. Kay lungkot.

Kay lungkot ng mga armas
Kung napalayo sa mga salita.
Kay lungkot. Kay lungkot.

Kay lungkot ng mga tao
Kung hindi mamamatay sa pag-ibig.
Kay lungkot. Kay lungkot.

Image result for philippine american war pictures

Salin ng “Como la higuera joven,” ni Miguel Hernández ng España
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Tulad ka ng batang igos

Tulad ka ng batang igos,
Na nupling sa mga buról.
Kapag ako’y napadaan,
Humuhugong ka sa simoy.

Tulad ka ng batang igos,
Marikit, nakabubulag.

Tulad ka ng punong igos,
Tulad ng tumandang igos.
Dumaan ako’t binati
Ng tiwasay, dahong luoy.

Tulad ka ng punong igos
Na pinatanda ng kidlat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.