Kasiping, ni Karl Adolph Gjellerup

Salin ng “Et Par,” ni Karl Adolph Gjellerup ng Denmark
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Kasiping

Ang buong mundo’y kunin na ninyo nang lubos!
Ilukob sa amin ang walang hanggang gabi!
Ako si Eros at ikaw naman si Káos;
Ang mundo ay sadyang palakí nang palaki.

Advertisements