Salin ng “Sulltan Murati dhe Shqiptari,” ni Fatos Arapi ng Albania
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
Si Sultan Murati at ang Albanés
Nakasakay noon sa kabayo si Sultan Murati
at minasdan ang isang bilanggong nakabigkis
ang mga kamay at paa:
ang anyong tumanda, ang mga sugat at pilat,
ang mga tanikala. . .
“Albanes!” usisa niya, “bakit ka naghihimagsik
gayong makapamumuhay nang maalwán?”
“Padishah,” tugon ng bilanggo, “sapagkat
ang bawat tao’y may langit sa kaniyang dibdib
na malayang nililipad ng langay-langayan!”