Salin ng “Arte póetica 1974” at “Maneras de morir” ni Roque Dalton ng El Salvador
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
Sining ng Pagtula 1974
Panulaan
ipagpaumanhin kung tinulungan kitang maunawaan
na hindi ka lámang binubuo ng pulos mga salita.
Mga Paraan ng Kamatayan
Si Komandante Ernesto Ché Guevarra,
na tinawag na “dakilang abenturero ng armadong pakikibaka”
ng mga pasipista’y
humayo at inilapat ang kaniyang rebolusyonaryong konsepto
sa Bolivia.
Sa gayon ay nakitil ang búhay niya at ang iilan pang bayani.
Ang mga dakilang pasipista ng matuwid na daan
ay sinubok ang kanilang mga konsepto sa Chile:
Ang mga namatay ngayon ay lampas sa tatlumpung libo.
Mantakin mo, mambabasa, kung ano ang sasabihin sa atin
kung mailalahad nila ang kani-kanilang karanasan—
silang nangamatay sa ngalan ng bawat konsepto.